Ni Brian Yalung

WALANG malinaw na plano sa kanyang career si Ronda Rousey matapos mabitiwan ang kampeonato sa UFC may dalawang taon na ang nakalilipas.

ronda-copy

May haka-hakang, maglilipat bakuran ang pamosong UFC women fighter sa World Wrestling Entertainment. At mismong si UFC president Dana White ay naniniwala sa usapin na hindi na magbabalik sa ogtagon ang dating unbeaten champion.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kundi man matuloy sa WWE, posibleng magretiro na nang tuluyan si Rousey at asikasuhin ang career sa modelling at showbiz, gayundin ang magpamilya sa kasalukuyang boyfriend na si Travis Browne.

Dahil dito, maraming tagahanga ang nag-aabang sa kanyang pahayag na inaasahang mailalabas sa kanyang bagong website na rondarousey.com.

Sa kanyang paglilipat sa WWE, matutupad ang matagal nang ambisyon ni Rousey na maglaro ng full-time sa pro wrestling.

Nauna nang sumagupa ang 27-anyos na si Rousey sa WWE events sa Wrestlemania 34 sa 2015 at SummerSlam noong 2014.