Ni: Aaron B. Recuenco

Patay ang apat na pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang umabot sa limang katao ang sugatan matapos na salakayin ng mga hinihinalang kasapi ng Bangsamoro Islamic Liberation Front (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional police, nagsimula ang pag-atake nang pasabugan ng bomba ng BIFF ang grupo ng MILF habang tumatawid sa Barangay Andavit ng bayan ng Datu Salibo, nitong Linggo ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagsimula ang bakbakan ng dalawang grupo nang gumanti ng putok ang mga armadong MILF.

Ayon naman kay Chief Insp. Tara Leah Cuyco, ARMM regional police information officer, ang mga umatake ay miyembro ng ISIS-inspired BIFF.

Una nang napaulat na kaalyansa ang BIFF ng Maute Group, na kaalyado naman ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).