Ni: Jun N. Aguirre
NUMANCIA, Aklan - Isang 59-kilo na babaeng pawikan ang nailigtas matapos ma-trap sa fish pen sa Barangay Navitas sa Numancia, Aklan.
Ayon kay Pepito Ruiz, ng Philippine Coast Guard-Auxilliary, ito na ang pampitong pawikan na napadpad sa baybayin ng Numancia simula noong 2015. Naibalik sa dagat ang anim, habang ang isa naman ay patay na nang matagpuan ng mga residente.