NI: Anna Liza Villas-Alavaren

Pinuri ni Metropolitan Manila Development Authority (MDDA) Chairman Danilo Lim ang barangay chairman ng Baclaran, sa Parañaque, matapos nitong sibakin sa puwesto ang isang volunteer tanod na iniulat na pinagbantaan ang isang crew ng towing service sa kasagsagan ng anti-illegal parking operation.

Ang pagsibak ni Barangay Baclaran head Dulio Cailles kay Michael Edison Torres, volunteer tanod, ay dapat tularan ayon kay Lim. “We welcome such expression of support to our mission of clearing all roads in Metro Manila of all types of obstructions to improve the traffic situation,” dagdag pa niya.

Ayon kay Lim, ginagawa umano nang maayos ng nasabing grupo ang kanilang trabaho na hatakin ang mga sasakyang ilegal na nakaparada at iba pang sagabal sa daan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We stand by our personnel who are performing their duties but would not tolerate those abusive ones,” ani Lim.