Ni: Erwin G. Beleo

SAN FERNANDO CITY, La Union – Apatnapu’t tatlong bahay sa La Union ang nasira bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong ‘Gorio’ at ng storm surge, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa probinsya.

Base sa tala ng PDRRMC at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 1 sa lalawigan, 20 bahay ang nawasak habang 23 ang bahagyang nasira sa mga bayan ng Bacnotan, Bagulin, Bangar, Naguilian at San Gabriel.

Inanod ang dalawang bahay sa bayan ng Bangar bunsod ng storm surge ngunit nailikas naman ng rescuers, sa pamumuno ni Mayor George Pinzon, ang mga nakatira sa mga nasabing bahay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Umiral ang storm surge warning sa buong coastal areas ng Region 1 hanggang nitong Martes dahil sa patuloy na pag-uulan.

Binalaan naman ng Office of Civil Defense ang mga mangingisda na huwag pumalaot dahil sa malakas na alon, na apat na metro ang taas sa kasalukuyan, na epekto na rin ng storm surge.