Ni: Jun Fabon

Dahil sa pagsisiksikan at tindi ng init sa mga selda ng Novaliches Police-Station 4, patay ang isang preso habang malubha ang kanyang kakosa, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), hindi na umabot nang buhay sa Novaliches District Hospital si Renato Moreno, 42, habang patuloy na inoobserbahan si Bienvenido Paredes, nasa hustong gulang.

Una rito, dakong 4:00 ng madaling araw, nagpasaklolo ang mga bilanggo nang makitang nakahandusay at naghahabol ng hininga sina Moreno at Paredes.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

Agad isinugod sa ospital ang dalawa ngunit hindi na umabot si Moreno.