ni Leonel M. Abasola

Muling masusubukan ang kakayahan ng mga miyembro ng Pinoy team na TNC Pro sa paglahok nila sa International DOTA 2 Championship sa Seattle, Washington.

Pinangunahan ni Sen. Bam Aquino ang send off ng koponan sa paglaro kasama nila.

“It’s not every day that you get to play with the best in the world so it was a big honor that I was allowed to join their practice before they travel to Seattle,” anang Aquino.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Tiwala si Aquino na aangat pa mula sa ika-8 puwesto sa may 18 koponan ang TNC Pro na binubuo nina Theeban “1437” Siva, Carlo “Kuku” Palad, Sam “Samh” Hidalgo, Marco Polo Luis “Raven” Fausto at Timothy John “Tims” Randrup.

Haharapin ng Pinoy teams ang mga pambato ng Europe, China, North America, South America. Ang torneo ay may kabuuang premyo na $22,810,242.