Ni: Lyka Manalo

MABINI, Batangas - Patay ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos umanong manikip ang dibdib at malunod habang sumasailalim sa training sa Mabini, Batangas, nitong Sabado.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagsasagawa ng diving check out sa may 25-30 talampakang lalim ng dagat ang 31 miyembro ng PCG, kabilang si SN2 Elmer Buce, 30, ng Camarines Sur, sa Barangay Bagalangit bilang bahagi ng Basic Safety Procedures Exercise.

Dakong 4:30 ng hapon nang mag-dive ang ang grupo ni Buce subalit nahirapan umano itong huminga hanggang sa malunod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog