NI: Orly L. Barcala

Dead on the spot ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang bumulagta na si Jemar Rafols, 32, ng Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat, nakapila ang biktima sa terminal ng tricycle sa Katarungan Street corner Langir Road, Phase 5, Bgy. 176, Bagong Silang, dakong 1:00 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagkasakay ng pasahero, pinaandar ni Rafols ang kanyang tricycle at sinalubong ng armado saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay sumulpot ang isa pang lalaki na sakay sa motorsiklo at isinakay ang armado at tuluyang humarurot.

Itinanggi ng mga kaanak ni Rafols na sangkot siya sa ilegal na droga.