NAKIPAGTAMBALAN si Michael Balce III ng Ateneo de Manila University kay Hsiang Yu Chuang ng Chinese-Taipie para makausad sa boys doubles semifinals ng the International Tennis Federation (ITF) Junior Circuit nitong Huwebes sa Vietnam.

Ginapi ng top-seeded pair nina Balce at Chuang ang tambalan nina Tu Le Khanh Duy at Hoang Minh Nguyen, 6-3, 6-2, sa quarterfinal match ng Phu Tho Tennis Club outdoor hard court sa Ho Chi Minh City.

Makakaharap nina Balce at Chuang ang magwawagi sa duwelo nina third seeds Phuong Van Nguyen at Huynh Thinh ng Vietnam kontra kina Pengyu Lu at Guangsen Wen ng China.

Umusad din si Balce sa singles quarterfinals nang pabagsakin si Taiwanese qualifier Nan Hsun Lin, 6-4, 7-6 (1).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mapapalaban si Balce, miyembro ng 2016 Junior Davis Cup team, kontra third seed Vietnamese Phuong Van Nguyen, nagwagi kontra Chinese Guanglin Wen, 6-2, 6-1.

Sa girls division, lusot sa second round ang wild card entry na si Rafaella Jean Villanueva nang pabagsakin si second seed Indian Shrivalli Rashmikaa Bhamidipaty, 0-6, 1-6.