Ni: Jun Fabon

Kanselado ang pasok ng mga mag-aaral sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 24, dahil sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Ito ang opisyal na direktiba ni Mayor Herbert Bautista, sinabing special holiday ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang SONA ni Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa sa IBP Road, Barangay Batasan.

Ipinag-utos din ng alkalde ang masusing paghahanda ng Quezon City Police District (QCPD), Bureau of Fire Protection (BFP), at Department of Public Order and Safety (DPOS), dahil laging sinasabayan ng mga kilos-protesta ang SONA, kaya naman nagsisikip ang trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20