Ni: Ador Saluta

BUKOD sa pinaghahandaang pelikulang Ravengers with It’s Showtime host Vice Ganda at teen king Daniel Padilla, busy rin si 2015 Miss Universe Pia Wurtzback sa pagdyi-gym at product endorsements. Baka nga raw mas maging busy pa siya kung matutuloy ang wino-work out na international project soon.

Hindi pa niya mailabas ang mga detalye nito dahil nakikipag-negotiate pa ang management niya.

“We’re still fixing it,” kuwento ni Pia nang makapanayam sa bagong endorsement niya ng isang brand ng sardinas. “My management is still fixing it so I can’t reveal anything just yet because hindi pa siya polished. It is connected with Miss Universe.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Masaya rin si Pia sa balitang napansin siya ng renowned fashion designer Stefano Gabbana sa Instagram.

“I am so happy that he did. I’m happy, he does that a lot anyway. He reposts photos of people who wear his creations,” sabi ng dalaga.

Sa kanyang paghahanda naman sa MMFF entry ng Star Cinema, ibinahagi ni Pia ang kanyang physical training dahil may halong aksiyon ang una niyang pelikula. Kaugnay nito, ibinahagi rin niya ang ilang tips kung paano siya nananatiling fit and healthy. Aniya, regular siyang nagtutungo sa gym at nagpa-planking, tricep pull-downs, squats and lunges.

“I have a busy schedule and always on the go so when I do have time to grocery shop or prepare a meal, I make it a priority. I like to enjoy food that keeps my energy levels stable, like Century Tuna,” sambit ng beauty queen.