Ni: Czarina Nicole O. Ong at Rommel P. Tabbad

Umaasa si dating Senador Jinggoy Estrada na papayagan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hinihiling niyang dalawang-araw na medical pass sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City upang maisailalim siya sa videocolonoscopy, na inaasahang makatutukoy sa dahilan ng pananakit ng kanyang tiyan.

Former Senator Jinggoy Estrada, arrives at the Sandiganbayan for the first day of the trial of his pork barrel plunder case, July 17, 2017. The trial is set at the Sandiganbayan Fifth Division. (Mark Balmores)
Former Senator Jinggoy Estrada, arrives at the Sandiganbayan for the first day of the trial of his pork barrel plunder case, July 17, 2017. The trial is set at the Sandiganbayan Fifth Division. (Mark Balmores)

Sa kanyang mosyon, sinmabi ni Estrada sa korte na nagsagawa ng blood test sa kanya si Dr. Regina L. Bagsic nitong Hulyo 12. Sa pagsusuri, natuklasan ni Bagsic na may mas mataas na antas ng CEA (carcinoembryonic antigen) si Estrada kaya pinayuhan siyang sumailalim sa videocolonoscopy.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kahapon, sinermunan ng mahistrado ng Sandiganbayan si Estrada at mga abogado nito dahil sa pagkakaantala ng paglilitis sa kinahaharap nitong kasong plunder.

Ayon kay Associate Justice Rafael Lagos, chairman ng 5th Division, sinabon niya si Estrada at mga abogado nito nang magsumite ang mga ito ng sobrang late na mosyon na kumukuwestiyon sa draft pre-trial order na tinanggihang pirmahan ng dating senador.

“It shows that you just want the initial trial not to start. If you believe you have a point, you should’ve done that two weeks before the trial. Their client is detained. If they just want to prolong everything, it’s okay with us… Set tayo nang set, ayaw n’yo namang matuloy. Bahala kayo,” inis na pahayag ni Lagos.

Nakapiit si Estrada sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa pagtanggap umano ng P183 milyon kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), na ginastos umano sa ghost projects ng mga pekeng non-government organization ni Janet Lim Napoles.