Ni Jerome Lagunzad
KUMPIYANSA si Phoenix coach Ariel Vanguardia na mahihigitan ng Fuel Masters sa 2017 PBA Governor’s Cup ang inabot na he quarterfinal sa nakalipas na tatlong conference.
“Ambitious at it may sound, but I think we have the tools to go the next level,” pahayag ni Vanguardia.
Sisimulan ng Fuel Masters ang kampanya sa seaason-ending conference kontra Kia Picanto sa Hulyo 19.
Kung magaan man ang damdamin ng 44-anyos na si Vanguardia hingil sa kampanya ng Phoenix, ito’y dahil na rin sa pagbabalik ng matikas na si Eugene Phelps na nakatuwang nila sa impresibong ratsada sa nakalipas na conference.
Ang 6-foot-5 Phelps ang import ng Phoenix sa katatapos na Commissioner’s Cup, ngunit nakapaglaro lamang ito ng isang laro dahil kailangan niyang tapusin ang kontrata sa Brujos de Guayama, isang pro club sa Puerto Rico.
Ngunit, nagiwan ito ng marka nang sumikwat ng 53 puntos at 21 rebound para sandigan ang Fuel Masters sa 118-116 double overtime victory kontra sa Blackwater Elite na pinangunahan ni dating NBA veteran Greg Smith.
“Familiar na siya sa sistema pati na rin ‘yung mga locals sa kanya kaya maganda na agad ang chemistry ng team,” pahayag ni Vanguardia.
“Known for his vast offensive repertoire, Phelps is “still improving and maturing more as an all-around player.
“Maganda ‘yung nakikita ko na nag-i-improve rin ‘yung kanyang passing skills. Kapag dino-double, triple-team siya, marunong na siya pumasa ngayon. Mas may pasensya na siya at mas nag-mature rin talaga ‘yung game niya,” aniya.
Inamin naman ni Phelps na mabigat ang kanyang pasanin, ngunit handa umano siya sa lahat ng pagsubok.
“I didn’t come here to be an eight-placer again. I wanna be in the Top 4, go to the semis and hopefully win the championship,” pahayag ni Phelps.
“I’m excited to be back. It’s like family here. I’m excited to do big things for the team. I’m gonna just play hard no matter what.”