Ni: Entertainment Tonight

INIHAYAG ni Lisa Bloom, abogado ni Blac Chyna, na ginarantiyahan ng judge ang request for temporary restraining orders nito laban kay Rob Kardashian, 29-year-old model na ex-fiance at ama ng anak niya, nang isapubliko ng huli ang mga pribadong larawan niya sa social media nitong nakaraang linggo.

Suot ang puting suit, sinamahan si Chyna ni Bloom – kasama ang iba pang mga abogado, sa Vernon Ellicott and Walter Moley – sa labas ng Los Angeles Superior Court nitong Lunes, at bahagyang nagpahayag sa press.

Inatasan si Kardashian na hindi dapat lumapit kay Chyna ng “at least 100 yards,” at nananatili ang kustodiya niya kay Dream. “The court is not in the business of separating biological parents from their children,” paliwanag ng judge, kaya mananatiling magkatuwang sina Chyna at Kardashian sa kustodiya ng kanilang anak at magpapalitan sa pamamagitan ng caregiver ng sanggol.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ipinaliwanag ni Bloom sa press conference ang desisyon ng judge na, “set of very strong and enforceable restraining orders” laban sa 30-year-old reality star. Dagdag pa niya, nakasaad sa restraining order na bawal itong lumapit kay Chyna at “(not to) post anything about her online of personal nature.” Inatasan ng judge na bawal mag-post ng kahit anong litrato ni Chyna, Dream o ni King, ang 4-year-old son ni Chyna kay Tyga, na ex-boyfriend ni Kylie Jenner.

“Revenge porn is a form of domestic abuse,” sabi ni Bloom at tinawag itong “civil wrong.”

Samantala, kinatawan si Kardashian ng abogadong si Robert Shapiro, at ni Samantha Klein mula sa opisina ng high-powered attorney na si Laura Wasser. “We apologize and have offered our regrets for what has taken place in the last few days,” ani Shapiro sa press sa labas ng coutroom nitong Lunes. “(Kardashian and Chyna are) working this out among themselves as good parents.” 

Sa ngayon, wala pang kasong naisasampa laban kay Kardashian.