Ni: Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon

Nakabigti sa puno at wala nang buhay ang isang lalaki nang matagpuan sa isang bahagi ng University of the Philippines (UP) Diliman campus sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Members of SOCO gets the hanging body of a man known as Adel Sanchez in a vacant lot at University of the Philippines Diliman on early Saturday. Photo by Jansen Romero
Members of SOCO gets the hanging body of a man known as Adel Sanchez in a vacant lot at University of the Philippines Diliman on early Saturday. Photo by Jansen Romero

Kinilala ang lalaki na si Adel Sanchez, 37, ng Barangay Greater Lagro, Novaliches, na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng University Avenue sa loob ng UP campus, dakong 5:00 ng madaling araw.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa salaysay sa awtoridad ng guwardiyang si Geomerick Roxas, na nakaantabay sa kanyang puwesto sa entrance ng nabanggit na unibersidad, isang jogger ang nag-ulat sa kanila tungkol sa pagkakatagpo sa isang lalaking nakabigti sa puno.

Agad siyang nagpunta sa lugar at nasilayan ang nakabigting biktima.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala nila ang biktima sa pamamagitan ng identification (ID) card na natagpuan sa kanyang bag.

Sa paggulong ng imbestigasyon, naniniwala ang awtoridad sa posibilidad na nagpakamatay si Sanchez dahil walang nakitang kahit anong marka sa kanyang bangkay maliban ang nasa kanyang leeg, ayon sa police report.