OAKLAND, California (AP) – Nakatakdang lumagda ng isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$5.2 milyon sa Golden State Warriors si dating Los Angeles Laker Nick Young .Naitala ng 6-foot-7 na si Young ang averaged 13.2 puntos sa Hollywood sa nakalipas na season at inaasahang magbibigay ng lakas ng loob.

Isinuko ng 32-anyos veteran forward ang huling taon sa kanyang kontrata sa Lakers na nagkakahalaga ng US$5.7 milyon upang makasampa sa Warriors.

PORTER copy copy

Patuloy ang pangangalap ng Warriors sa merkado matapos magkaroon ng malaking espasyo sa salry cap.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Waiters, nanatiling Heat

MIAMI(AP) — Nakipagkasundo si Dion Waiters sa Miami Heat sa maximum deal na nagkakahalaga ng US$52 milyon sa loob ng tatlong taon.

Tangan niya ang averaged 15.8 puntos sa 46 laro sa nakalipas na season sa Heat.

"Big Congrats to @dionwaiters3 on the new deal with The Heat," pahayag ni Dwayne Wade sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila). "It was only right bro!!!"

Porter, naenganyo sa alok na US$106 milyon

NEW YORK — Tinanggap ni Otto Porter Jr. ang ‘offer sheet’ ng Brooklyn Nets.

Ayon sa source ng koponan na ayaw pabanggit ang pangalan, handa umano ang Washington Wizards na tapatan ang naturang alok na US$106 milyon sa loob ng apat na taon.

Batay sa regulasyon, may dalawang araw na palugit ang Wizards para tapatan ang alok ng Nets para kay Porter.

Ikaapat si Porter sa voting for Most Improved Player sa nakalipas na season tangan ang averaged 13.4 puntos.

Gallinari, ipinamigay ng Denver

LOS ANGELES (AP) – Nakuha ng Los Angeles Clippers si Danilo Gallinari matapos pumayag sa three-team sign-and-deal na kinasasangkutan ng Denver Nuggets at Atlanta Hawks nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Batay sa trade na ilalabas ni ESPN’s Adrian Wojnarowski, mapupunta sina Jamal Crawford, Diamond Stone, at 2018 first round pick na naunang nakuha mula sa Houston Rockets at cash sa Atlanta.

Nakuha naman ng Denver mula sa Hawks ang 2019 second round pick.

Makadadagdag ang 28-anyos na si Gallinari sa bilis at lakas ng frontcourt ng Clippers na sinasandigan nina high-flying All-Stars DeAndre Jordan at Blake Griffin.