LONDON (AP) — Isinantabi nina Victoria Azarenka at Petra Kvitova ang kaganapan sa kanilang buhay na naging banta sa kanilang tennis career.
Sa ikatlong sabak sa torneo mula nang magsilang nitong Disyembre, walang bahid ng pagkapagal ang two-time Australian Open champion tungo sa impresibong panalo kontra sa mas batang si Cici Bellis ng USA, 3-6, 6-2, 6-1, nitong Lunes (Martes sa Manila) sa first round ng Wimbledon.
“It was really a kind of nervous start for me,” pahayag ng unseeded Belarussian. “I was not finding my range, not really moving the way I like to move and the way I have been practicing, actually.”
Ang nakaka-kabang simula ay nagdulot kay Azarenka ng labis na pangamba para mabaon sa 0-4. Ngunit, nakabawi ang dating world No.1 matapos makaiskor. Tuluyang niyang naagaw ang momentum sa sumunod na set.
“I definitely feel like I started to create something for myself. I started to create the points. I started to find my range better. I started to see the point better and move better,” aniya.
Sunod na makakaharap ni Azarenka si Elena Vesnina sa Miyerkules. Nakausad ang 15th-seeded Russian kontra Anna Blinkova 6-4, 5-7, 6-2.
Labis naman ang kasiyahan ni Kvitova sa suportang ibinigay sa kanya ng crowd sa All England Club na kanyang nagamit para pabagsakin si Johanna Larsson, 6-3, 6-4.
Nasugatan ang kamay ng Latvian star nang pakipagbuno sa patalim ng magnanakaw na sumalakay sa kanyang tahanan.
“It was beautiful to be back on the court, playing my game, on the beautiful Centre Court, of course,” pahayag ng 11th-seeded na si Kvitova. “I couldn’t wish (for) more.”