Ni: Cover Media

IPINAKITA ng fans ni Adele ang kanilang suporta sa may sakit na soul superstar nitong Sabado sa pagtitipon sa labas ng Wembley Stadium ng London para magsagawa ng public sing-a-longs nang kanselahin niya ang kanyang concerts.

Nakatakdang tapusin ng Hello hitmaker ang kanyang world tour sa kanyang hometown sa apat na gigs sa arena, ngunit kinailangan niyang kanselahin ang huling dalawang konsiyerto nitong weekend dahil sa pinsala sa vocal cord.

adele copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ipinaalam ni Adele ang balita sa kanyang followers sa pamamagitan ng social media nitong madaling araw ng Sabado, inihayag na “devastated” siya nang payuhan ng kanyang mga doktor na huwag na siyang magtanghal.

Lumutang ang balita pagkaraan ng anim na taon nang kinailangan ding itigil ng singer ang kanyang 2011 North American tour dahil sa vocal cord haemorrhage, na nangailangan ng surgery.

Nadismaya ang ticketholders sa nakanselang mga palabas sa London, ngunit sa halip na magreklamo sa nabagong mga plano, daan-daan ang nagpasyang tumungo sa Wembley Stadium para awitin ang mga kanta ni Adele bilang parangal sa kanya at ipakita ang walang kamatayan nilang pagmamahal sa bituin. Naging trending topic ang hashtag na “#SingforAdele” sa Twitter sa pagbuhos ng tribute.

“You couldn’t perform for us, so we performed for you!,” sulat ng isang fan sa Instagram, sa tabi ng video footage ng maraming tao. “We love you so much! @adele #singforadele #weloveyouadele”.

Bahagi naman ng isa pang devotee, “@Adele couldn’t sing for us so we sang for her! Over 300 Daydreamers (fans) #SingForAdele #WeLoveYouAdele”.

Wala pang sagot si Adele sa pagbuhos ng suporta, ngunit ang video footage at sweet social media messages ay tiyak na magpapalakas ng kanyang loob habang nagpapagaling siya.

Umaasa si Adele na mai-reschedule ang gigs, na maaaring maging huli na niya lalo’t nagpahiwatig siya ng tour retirement sa London concert programme.

Nagpaliwanag kung bakit nais niyang isara ang kanyang huling Adele Live trek sa British capital, ibinahagi niya sa isang handwritten note na, “I only ever did this tour for you and to hopefully have an impact on you the way that some of my favourite artists have had on me live. I wanted my final shows to be in London because I don’t know if I’ll ever tour again and so I want my last time to be at home.”