San Miguel's Yancy De Ocampo stops TNT's Joshua Smith from scoring during the PBA Commissioner's Cup Finals Game 5 at Smart Araneta Coliseum, June 30, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Miguel's Yancy De Ocampo stops TNT's Joshua Smith from scoring during the PBA Commissioner's Cup Finals Game 5 at Smart Araneta Coliseum, June 30, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

PINATAWAN ng multang P30,000 ng PBA Commissioner’s Office si TNT import Joshua Smith nitong Sabado bunsod nang maanghang na pananalita laban sa mga referee na tumawag sa Game 5 ng kanilang duwelo ng San Miguel Beer Biyernes ng gabi sa PBA Commissioner’s Cup Finals sa Araneta Coliseum.

“TNT KaTropa import Josh Smith is fined P 30,000 for issuing statements detrimental to the league,” pahayag ng PBA sa post sa kanilang opisyal social media accounts.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Binatikos ni Smith ang ‘officiating’ sa Game 5 na pinagwagihan ng San Miguel Beermen, 111-102, na nagbigay sa SMB ng 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven championship.

“PBA officials are terrible,” sambit ni Smith.

“Number 14, 17 and 40. The PBA officials are terrible,” aniya, patungkol kina referee Peter Balao, Noy Guevara, Rey Yante at Mau Orieste.