Ni: Mary Ann Santiago

Pinagbabaril sa loob ng taxi ang dalawang drug suspect sa Marikina City, iniulat kahapon.

Agad nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan sina Ramil Gonzalez, 28, at Jessie de Leon, alyas Cubbing, 61, kapwa ng Gen. Ordonez Street, Barangay Marikina Heights, Marikina City at kabilang sa drug watch list ng Marikina City.

Sa ulat ng Marikina City Police na ipinarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), naganap ang pamamaril sa Scarlet St., kanto ng Maroon St., sa Bgy. Concepcion Dos, bandang 11:50 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sakay umano ang dalawa ng Jimesan Taxi (ACD-6554) nang tabihan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo, na hindi naplakahan, at pinagbabaril.

Humarurot ang mga suspek patungo sa Scarlet Street matapos ang insidente.