CALIFORNIA (Reuters) – Sampung taon na ang iPhone ng Apple Inc – ang device na nagpasimula ng smartphone revolution at inaabangan kung saan ito patutungo.

Nakapagbenta ang Apple ng mahigit 1 bilyong iPhone simula nang ilunsad ito noong Hunyo 29, 2007. Inaabangan ngayon ng fans at investors ang 10th anniversary iPhone 8, na ilalabas sa taglagas.

Ikinagulat ng maraming Apple suppliers ang mismong konsepto ng iPhone isang dekada na ang nakalipas, sa pamumuno ng CEO nitong si Steve Jobs, na nagpakilala rin ng iPod.

“We still have the voicemail from Steve Jobs when he called the CEO and founder here,” sabi ni David Bairstow sa Skyhook, ang kumpanyang nagsu-supply ng location technology sa mga naunang iPhone. “He thought he was being pranked by someone in the office and it took him two days to call Steve Jobs back.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina