Ni: Bert de Guzman

ANG kasalukuyang populasyon ng mundo ay halos 7.6 bilyon. Ito, ayon sa report ng UN Department of Economic and Social Affairs Population Division, ay magiging 8.6 bilyon sa 2030, lulukso sa 9.8 bilyon sa 2050 at papailanlang sa 11.2 bilyon sa 2100. May mga nagtatanong kung aabutin pa ng mundo ang ganitong kalagayan ngayong kabi-kabila sa iba’t ibang panig ng daigdig ang karahasan, patayan at mass destruction. Hindi pa kaya mapapawi ang planetang daigdig kapag gumamit ng nuclear bombs at iba pang makabago at sopistikadong armas ang naglalabang mga bansa at ideolohiya?

Batay sa UN report, lalampasan ng India ang populasyon ng China (may 1.3 bilyon ito ngayon) sa susunod na pitong taon samantalang hihigitan naman ng Nigeria ang United States upang ito ang magiging ikatlo sa pinakamaraming tao bago dumating ang 2050. Isang katiyakan, ang henerasyon natin ngayon at ang susunod pa, ay wala na sa mundong ito pagdating ng gayong panahon.

Samakatuwid, kung ganito ang magiging populasyon ng mundo sa 2030, 2050 at 2100, magiging irrelevant o hindi na akma ang aral at utos sa Bibliya noon na: “Humayo kayo at magparami.” Nagbabago ang panahon at ang kalagayan ng mga tao kaya ang aral o utos na ito sa mga unang tao noon na “magparami” ay wala nang katuturan ngayon. Sa Pilipinas nga, sinisikap na mapigil ang pagsikad ng populasyon (104 milyon na) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng condom, pills at iba pang uri ng contraceptives sa lalaki at babae na hindi makakontrol sa “panggigigil”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Magtutulungan ang Indonesia, Malaysia at Pilipinas sa pagbaka sa terorismo sa Southeast Asia. Sa ngayon, malaking problema ng Duterte administration ang pagsalakay ng teroristang Maute Group (MG) sa Marawi City na inspirado ng IS o Islamic State na nais magtayo ng caliphate sa Mindanao. Nagkausap sina President Rodrigo Roa Duterte at Indonesian Pres. Joko Widodo tungkol sa pagtutulungan laban sa terorismo.

Mabigat ang paratang ni Sen. Antonio Trillanes IV tungkol sa umano’y pagkakaroon ngayon ng Philippine Death Squad (PDS) na inorganisa ni Mano Digong (noon ay Davao Death Squad). Sinabi niya na si PNP Supt. Marvin Marcos, akusado sa pagpatay kay Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa, ay bahagi ng PDS ng Pangulo. Ayon sa kanya, si Marcos ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1996, na ang ilang miyembro ay bahagi umano ng PDS.

Bilang reaksiyon, sinabi ng Malacañang na nananaginip at nag-iimbento si Trillanes nang ihayag niya na si PDU30 ang nag-organisa ng PDS upang magsagawa ng extrajudicial killings. “I think the interview with HARDtalk just summarized everything that he is. You know, he seems to be really given to his huge fantasies,” banat ni Presidential spokesman Ernesto Abella. Ang HARDtalk ay isang BBC program na nag-interview sa kritiko ng Pangulo noong nakaraang Miyerkules.

Pinabulaanan din ni Abella ang bintang ni Trillanes na si Pres. Rody ang nasa likod sa downgrading o pagpapababa sa kasong murder ni Marcos at ng mga pulis sa pagpatay kay Espinosa upang maging homicide na lamang. Sa murder, hindi puwedeng magpiyansa ang akusado, pero sa homicide ubrang magpiyansa at makalaya. Samantala, tahimik ang PNP sa alegasyon ng senador na ilang miyembro ng PNPA Class 1996 ang sangkot sa extrajudicial killings. Gen. Bato, aba naman, sumagot ka.

Hindi naniniwala si PRRD na ang hangarin nina Sens. Leila de Lima at Francis Pangilinan ay malaman lang ng publiko ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan bilang pangulo ng bansa. Naniniwala siyang gusto ng dalawa na siya ay mamatay at hindi matapos ang termino. Sa panig ni Sen. Trillanes, naniniwala siyang mahaba ang buhay ng Pangulo sapagkat ang isa raw masamang damo ay matagal mamatay!