CEBU CITY – Nagpamalas ng kahandaan ang tatlong boxing star ng ALA -- Mark Magsayo, Jeo Santisima at Albert Pagara – sa ginanap na pub lic workout kahapon sa SM City Cebu.

Nakatuon ang tatlo sa aspeto ng bilis, footwork at resistensiya.

PUSPUSAN ang ensayo ni Magsayo para sa Pinoy Pride. PHILBOXING
PUSPUSAN ang ensayo ni Magsayo para sa Pinoy Pride. PHILBOXING
Handa si double world-ranked “El Magnifico’ Magasayo (WBO #3, WBC #12) para sa pagdepensa ng WBO Int'l title kontra sa beteranong si Nicaraguan Daniel "El General" Diaz sa main crad ng Pinoy Pride 41 sa Hulyo 8.

Kahanga-hanga ang gilas ni Magsayo (16-0, 12 KO's) sa jumping rope na ikinasiya ng malaking bilang ng crowd.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi rin nagpahuli sina Santisima at Pagara, ngunit mas marami ang sumusubaybay sa galaw ng 22-anyos na si Magsayo.

Haharapin naman ni Jeo Santisima (13-2, 11 KO), 21, ang walang talong si African warrior Goodluck Mrema (16-0, 8 KO's) ng Tanzania.

Inaasahan naman magiging madali ang laban ni Pagara kontra Thai Aekkawee Kaewmanee na galing sa limang sunod na talo bago ang biyahe sa Cebu.