MAGANDA ang kapalaran ng Perpetual Help sa paglisan ni Bright Akhueti.
Tatahakin ng Altas ang landas ng pakikibaka na wala ang Nigerian star, ngunit sa presensiya ng ilang beteranong player sa pagbubukas ng ika-93 season ng NCAA basketball tournament sa Hulyo 8 sa MOA Arena sa Pasay City.
Matapos mag-ober de bakod si Akhuetie sa University of the Philippines sa karibal na ligang UAAP, sasandal ang Altas sa mga beteranong sina Nigerian cager Prince Eze, para mapantayan hindi man malagpasan ang Final Four campaign, sa nakalipas na season.
Kinapos ang Perpetual laban sa San Beda Lions, ang eventual champions, sa semifinal match-up.
Iginiit ni Perpetual Help coach Nosa Omorogbe na malaki ang tsansa ng Altas na muling makausad sa Final Four sa presensiya ng 6-11 na si Eze.
“Will need contribution not just from Eze but all the players,” pahayag ni Omorogbe, isa ring Nigerian at nakapag-aral sa Las Pinas-based school may limang taon na ang nakalilipas.
Nanatili rin sa line up ang mga beteranong sina AJ Coronel, Gab Dagangon, JG Ylagan, Kieth Pido, Flash Gordon Sadiwa and Jack Hao.
Sinabi naman ni Omorogbe na kailangan niya ang tulong ng mga kasangga para makasabay sa hirit ng mga karibal.
“It’s a process and there are no shortcuts to success. But we’re slowly but surely improving and I expect more improvements come the NCAA tournament proper,” pahayau ni Omorogbe.