BILANG pagbibigay-pugay sa lahat ng mga ilaw ng tahanan, isa na namang makabuluhan at natatanging obra-maestra sa telebisyon ang ihahandog ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza. Pinamagatang Anak, ito ay mapapanood sa TV5.

Mapapanood ang kuwento ng mag-asawang hindi pa nabibiyayaan ng anak. Napagdesisyunan nilang sumayaw sa Pista ng Obando dahil maalab ang kanilang hangaring magkaroon na ng supling sa lalong madaling panahon.

Muling ipamamalas ni Direk Brillante Mendoza ang kanyang angking kahusayan sa pagsasalaysay sa pamamagitan ng pelikula. Itatampok sa Anak ang hirap at sarap na kaakibat ng pagbubuo ng isang pamilya at ang iba’t ibang paghamon na handang suungin ng bawat mag-asawang nais magkaroon ng anak pero hindi pa pinagkakalooban ng tadhana.

Sinasalamin din sa bagong movie made for TV na ito ang malalim na pananampalataya sa Diyos ng mga Pilipino lalo na sa mga panahon ng pagsubok.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Gagampanan ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista ang mga pangunahing tauhan kasama sina Perla Bautista, Bea Saw, Michelle Hernandez, Gay Quililan at Kimmy Maclang.

Ito ang kauna-unahang kolaborasyon nina Romnick at Harlene sa Cannes 2009 Best director.

Ang Brillante Mendoza Presents Anak ay isang obra na muling magpapatunay sa dedikasyon ng TV5 na makapaghatid ng de-kalibre at makabuluhang mga palabas sa telebisyon.

Panoorin ang Brillante Mendoza Presents Anak ngayong Linggo, Hunyo 25, pagkatapos ng Lakbai.