Ni: Bella Gamotea

Balik sa paghihimas ng rehas ang isang babae, na nahaharap sa kaso ng ilegal na droga, nang maaresto ng awtoridad matapos tumakas mula sa Sablayan Prison sa Oriental Mindoro.

Nasa pangangalaga na ng Bureau of Corrections (BuCor) si Lory Gamboa y Razus, nasa hustong gulang, sentensiyado sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) noong 2005.

Base sa ulat, bandang 6:15 ng umaga kahapon naaresto si Gamboa ng pinagsanib na puwersa ng Police Community Precinct (PCP) 6 ng Makati City Police at ng BuCor sa J.P. Rizal Street, Barangay Guadalupe Viejo, Makati City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad itinurn-over si Gamboa kay SO1 Diomedes Dador, Jr., ng BuCor, para sa kaukulang disposisyon.