IPINARADA ng defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill ang kakaibang lakas at sigla upang biguin ang Diliman College-JPA Freight Logistics, 79-68, at masungkit ang top seed sa 2017 MBL Open basketball championship sa FEU gym sa Fairview.

Ang dating runaway MVP awardee na si Clay Crellin ang nagpasimuno ng walang humpay na opensa ng Tamaraws sa naiskor na 21 puntos laban sa Dragons.

Nanguna si Crellin, ang 6-6 Fil-Canadian, sa Tamaraws para kagyat na gulatin ang Hotshots.

Nagpakitang gilas din sina Aris Gumabay, Japs Bautista, Erwin Sta. Maria, Christian Manalo at ex-PBA star Jerwin Gaco para sa Tamaraws nina owner Nino Reyes at coach Pido Jarencio.

Pambato ng Eastern Visayas, inangkin unang ginto sa Palarong Pambansa

Ito ang ikalawang sunod na impresibong panalo para sa FEU mula nang pumanaw ang kanilang team manager na si Ricky Simpao dahil sa atake sa puso nitong Sabado.

Nanguna si Arvin Angeles sa kanyang 26 puntos para sa Diliman-JPS, na naglaro na hindi kasama sina African import Alex Diakhite at Kris Torrado.

Sa kabuuan, nanguna ang FEU, kasunod ang Philippine Chrustian University at Colegio de San Lorenzo-V Hotel.