KUMPIYANSA ang Team Philippine ice hockey na makakapag-ambag ng medalya sa delegasyon na isasabak sa Southeast Asian Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Francois Gautier ng Philippine International Hockey Tournament na malaki ang tsansa ng Pinoy sa SEAG na nakatakda sa Agosto 19-31. Lalaruin ang ice hockey sa unang pgkakataon sa biennial meet.

“We’re not guaranteeing (of winning) a gold, but that’s what we’re aiming for,” sambit ni Gautier sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes. “If we play hard, I’m pretty positive we can win the hardware.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Gautier, malakas na karibal ang Thailand, Indonesia, at Malaysia. Ang Singapore ang huling koponan na sasabak sa sports.

Bilang paghahanda, sasabak ang National team sa Philippine Ice Hockey Tournament na nagsimula kahapon sa SM Megamall.

Haharapin ng koponan ang anim na karibal mula sa Singapore, Chinese-Taipei, South Korea, at New York.