ALDEN copy

Ni: Nitz Miralles

SANA nakarating sa GMA Artist Center ang reklamo at comments ng fans ni Alden Richards sa suot nito sa katatapos na 2017 Mega Pride Ball. Nakamaigsing Barong Tagalog si Alden na gawa raw ni Joey Samson at ipinasuot sa kanya ng glam team niya. Pero hindi nagustuhan ng marami ang naturang Barong Tagalog na ayon sa fans ni Alden, pinagmukha siyang “politician, pari, principal, teacher, employee, bank teller,” etc.

May nagsabi pa na parang uniform ng driver ang ipinasuot kay Alden ng kanyang glam team na Stylelistinc.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makabangong style raw ‘yun ng Barong Tagalog na parang hindi tapos dahil may mga sinulid pang nakalaylay at nakatastas. ‘Pag tumatalikod si Alden, makikita ang slit sa likod at may butones pa.

Nabasa namin ang post ng glam team ni Alden na ang sabi, “Our millennial & @megaman_magazine cover boy @aldenrchards02 looking cool in custom @garmentsurgeon’s modern take on classic men’s shirting with hand embroidered ILOCANO literature back detail + matching pants & @louisvuittob shoes for #MegaMillennialball.”

Kahit sinabi ni Alden na okey siya at komportable sa kanyang suot, fashion victim pa rin ang dating niya kahit sa kanyang fans. Ang saving grace lang ay guwapo na rin ang aktor at LV ang sapatos, but the rest, epic fail ang dating niya kahit sa kanyang fans.

May nag-suggest pa ngang huwag masyadong umasa sa kanyang glam team si Alden, dapat din daw ay alam niya at hopefully, nakikita kung ano ang maganda at bagay sa kanya.

“Hindi lang ‘yung suot siyan nang suot kahit hindi bagay sa kanya,” reklamo ng fans.