Hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon sa Supreme Court (SC) na ilipat ang mga nahuling miyembro ng Maute Group sa Metro Manila at italaga ang Taguig City Regional Trial Court para magsagawa ng pagdinig hinggil sa pag-atake sa Marawi City.

Ginawa ni Aguirre ang kahilingan sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya kay SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno pagkatapos niyang bumisita nitong Lunes sa military facility sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City na kinakukulungan ng mga nahuling miyembro ng Maute.

“In the interest of the safety of our personnel, to provide proper detention facilities to apprehended members of the Maute Group and to serve the ends of justice, may we request that the Regional Trial Court in Taguig City be designed as the court to try, and decide all cases and incidents arising from the Maute takeover of Marawi City,” nakasaad sa kanyang request kay Sereno.

“In relation thereto, that the Special Intensive Care Area (SICA) located at Camp Bagong Diwa, Taguig City be designated as the detention facility for apprehended members of the Maute Group as the same houses high profile and dangerous individuals,” sabi pa ni Aguirre.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Hunyo 6, naglabas ng desisyon ang SC ng en banc bilang pagtanggi sa kahilingan ni Aguirre na lumikha ng special courts sa labas ng Mindanao na lilitis sa mga miyembro ng Maute.

Sa halip ay itinalaga ng SC ang Cagayan de Oro City RTC, “to hear, try, and decide all cases and incidents arising from the Maute Group takeover of Marawi City.”

Pero ipinaliwanag ni Aguirre sa SC sa kanyang ocular inspection nitong Hunyo 12 na napag-alaman niyang, “members of the Judiciary and National Prosecution Service fear for their safety in the conduct of inquest, preliminary investigation and trial of the cases involving the Maute Group.”

Tinukoy niya ang pananambang sa convoy na may dala ng mga detainee sa Lanao del Norte noong Hunyo 10 na nagresulta sa pagkamatay ng apat na detainee at pagkasugat ng tatlong escort. (Jeffrey G. Damicog)