PARIS (AFP) – Inihayag ng mga lider ng France at Britain nitong Martes ang kanilang anti-terror action plan para masupil ang radicalisation gamit ang social media.
Matapos nilang mag-usap ni British Prime Minister Theresa May sa Paris, sinabi ni French President Emmanuel Macron na nagkasundo ang dalawang bansa na hindi sapat ang ginagawa ng mga social network para masupil ang terror propaganda at kailangang magtulungan para makauo ng ‘’very concrete’’ action plan.
Isa sa mga pangunahing hakbang ay pigilan ang pang-uudyok ng ‘’hate and terrorism’’ sa Internet.
Sinabi ni May na layunin ng British at French campaign na tiyaking ‘’the Internet cannot... be used to host the radicalising material that leads to so much harm.’’
‘’Today we can announce that the UK and France will work together to encourage organisations to do more and abide by their social responsibility to step up their efforts to remove harmful content from their networks,’’ ani May.