MATAPOS ang halos isang buwang pagkabakante, nagawang pataubin ng Ateneo de Manila University ang archrival De La Salle University ,80-78, nitong Linggo sa pagpapatuloy ng Fil-Oil Flying V Premier Pre-season Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

“We have had a long layoff two and a half weeks for final exams and then after finals couple practices, camp where we didn’t touch a basketball. Just worked on team building having fun,” pahayag ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

Dahil sa panalo, nabuhay ang pag-asa ng Blue Eagles na umusad ng quarterfinals matapos umangat sa markang 3-2, panalo -talo na nagbaba naman sa defending champion Green Archers sa barahang 4-3, panalo-talo sa Group A.

Isinalba ang Ateneo ni Thirdy Ravena na pumukol ng game winning triple.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naiiwan ng isa, 73-74 may 18.7 segundo ang nalalabi sa laro, pumukol si Ravena pagkatanggap ng bola kay Tyler Tio.

Tumapos na topscorer para sa Ateneo si Anton Asistio na may 13-puntos habang nag-ambag si Ravena ng siyam na puntos at limang rebound, habang nanguna naman si Mbala para sa La Salle sa itinala nitong 23 puntos.

Nauna rito, nakasiguro naman ang San Beda College ng quarterfinals berth matapos pataubin ang kanilang matinding karibal na Letran, 75-63, para sa ika-6 na sunod nilang panalo sa Group A. (Marivic Awitan)