Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.h. -- Meralco vs. Talk N Text

NAKATAYA ang huling semifinal slot sa pagtutuos ng Meralco at Talk ‘N Text sa winner-take-all Game 3 sa quarterfinals ng 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup.

Ganap na 7:00 ng gabi ang tapatan ng dalawang koponan para sa karapatang makaharap ang topseed Barangay Ginebra sa semifinals sa Araneta Coliseum.

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!

Naipuwersa ng Bolts ang ‘do-or-die’ nang itabla ang serye nitong Miyerkules, 103-100, sa pangunguna ni rookie Baser Amer na binigyang kredito ni Bolts coach Norman Black dahil sa napakagandang laro na kanyang ipinakita.

Tumapos ang 24-anyos na dating San Beda standout na may career -high 32 puntos bukod pa sa anim na rebound at apat na assist.

Ngunit, dahil batid ang kakayahan ng Texters, pinatunayan ng mga ito noong Game 1 matapos bumalikwas mula sa 81-92 na pagkakaiwan sa kalagitnaan ng fourth quarter upang makahirit ng overtime, naniniwala si Black na mas magiging matindi ang kanilang bakbakan ngayon.

“It’s gonna be a dogfight,” sambit ni Black. (Marivic Awitan)