Isang lalaking kabilang sa barangay drug watch list ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City, nitong Biyernes.

Nagkakape umano si Romualdo Grospe, 46, nang pagbabarilin ng mga suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong 11:30 ng umaga nang mangyari ang krimen sa harap ng Tita Store sa Aglipay Street, hindi kalayuan sa bahay ng biktima sa Bgy. Poblacion.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen dahil kabilang ang biktima sa barangay drug watch list. Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Mary Ann Santiago)

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin