BUMALIKWAS ang University of the Philippines Maroons mula sa 10 puntos na pagkakaiwan para magapi ang Far Eastern University Tamaraws, 71-65, nitong Miyerkules sa 2017 FilOil Flying V Pre-Season Premier Cup sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagbuslo ang mga Cebuanong sina Paul Desiderio at Jun Manzo ng mga clutch baskets sa final stretch upang selyuhan at kumpletuhin ang pagbalikwas ng Maroons.

Isang 3-pointer ang ipinukol ni Desiderio sa natitirang 11.9 segundo bago pormal na tiniyak ni Manzo ang panalo sa pamamagitan ng isang layup.

Nagtapos na topscorer si Manzo na may 13 puntos, anim na rebound at apat na assist para sa Fighting Maroons na umangat sa 4-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag -ambag si Desiderio ng 12 puntos.

“Pasalamat lang din ako kay coach Bo [Perasol], kasi first to third wala akong na-shoot,” pahayag ni Desiderio.

“Laging sinasabi ni coach na, ‘Pag open ka, itira mo. Pati teammates ko, kaya nagka-kumpiyansa ko nitong huli lang.”

Naiiwan ng siyam na puntos sa kalagitnaan ng third period, 34-42, naagaw ng Tamaraws ang bentahe at pinaabot ito ng hanggang sa, 64-54, may nalalabi na lamang tatlong minuto sa laro.

“What was important was we did not lost focus when we were down,” ani UP coach Bo Perasol.

“We were down because we cannot score, but we were defending really well,” aniya.

Nanguna naman si Arvin Tolentino para sa Tamaraws na may 12 puntos at apat na rebound. (Marivic Awitan)