GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija - Dahil sa maigting na pagtugis sa mga wanted, nasakote ng pulisya ang isang 41-anyos na lalaki na may patung-patong na kasong kriminal makaraang masakote sa pinagtataguan nito sa Barangay Poblacion sa Gen. Natividad, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Senior Insp. Ronnie Caagbay, hepe ng Gen. Natividad Police, bumagsak na sa kamay ng batas ang matagal nang wanted na si Ronald Castillo y Evangelista, 41, may asawa, ng Bgy. Pinyahan, na may kasong theft.

Dakong 3:30 ng hapon nang ilatag ng pulisya ang manhunt operation sa nasabing lugar at nadakip si Castillo, na ikaapat na most wanted person sa Gen. Natividad. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog