SYLVIA SANCHEZ copy

GOOD girl at super talented si Sylvia Sanchez pero hindi siya kagaya ng ibang pumapasok sa showbiz na dinaan sa pagmamadali ang pagsikat.

Hindi siya kasama sa mga instant celebrity na mina-manufacture ng talent development and management agencies kundi parang prutas na pinahinog sa puno.

Kaya natagalan bago niya naabot ang status bilang super actress. Hindi superstar kundi super actress. Bumilang muna ng 27 taon simula nang lumuwas siya ng Maynila galing Nasipit, Agusan del Norte. Nagsimula siyang mangarap na maging artista nang mapanood si Sharon Cuneta sa Sana’y Wala Nang Wakas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa edad na 46, pagkatapos ng The Greatest Love, walang kaduda-duda na napatunayan na niya sa lahat ang kanyang brilyo.

Kahapon, sa press launch ng kanyang kauna-unahang endorsement para sa Superbrand-certified Filipino beauty products na BeautéDerm, nakakahawa ang napakagandang ngiti ni Ibyang nang kunan ko ng picture na ginamit namin ngayon.

Parang bigla ring bumalik sa utak ko ang lahat ng mga paghihirap at struggles na naikukuwento niya kapag nagyayaya siya ng dinner. (DINDO M. BALARES)