Hindi nakalusot sa galamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean, na wanted sa kanyang bansa, habang nag-e-extend ng kanyang pananatili sa bansa sa field office ng tanggapan sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto si Sa Duckhwan, 50, makaraang mag-apply ng extension para sa kanyang tourist visa.

Aniya, hindi alam ni Sa na kasama siya sa immigration watch list dahil sa pagiging pugante.

Sangkot umano si Sa sa voice phishing scam at nagpanggap na bank officer na tumatawag sa kanyang mga bibiktimahin at hihingan ng pera. (Mina Navarro)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20