SAN JOSE, Batangas - Patay ang manager at may-ari ng Jusam Deco Steel matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang nasa birthday celebration ng isang kaibigan sa San Jose, Batangas, nitong Miyerkules.

Kinilala ang pinaslang na si Respitiso Fernandez, 42, taga-Barangay Calansayan, San Jose, habang nasugatan naman ngunit ligtas na sa kapahamakan si Bonifacio Leynes, 69 anyos.

Ayon kay Chief Insp. Ronnie Golfo, hepe ng San Jose Police, dakong 6:25 ng gabi nitong Miyerkules at nakikipag-inuman ang biktima sa selebrasyon ng kaarawan ng isa niyang kaibigan sa Bgy. Calansayan.

Nabatid na may tumawag sa cell phone ni Fernandez kaya lumabas siya sa gate at mula sa likuran ay pinagbabaril ng mga suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isa sa tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa pamamaslang ang tungkol sa negosyo ng biktima. (Lyka Manalo)