ROSALES, Pangasinan - Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang photo journalist na bumaril sa kanyang kaalitan sa Barangay San Pedro West sa Rosales, Pangasinan.

Sa tinanggap na report mula sa Pangasinan Police, nakilala ang namaril na si Condrado Bactad, 59, photo journalist ng mga pahayagang Regional Examiner at Northwest Sun, at residente ng Bgy. San Pedro West sa Rosales.

Inoobserbahan naman sa pagamutan si Aurelio Coloma, alyas “Boy Coloma”, 64 , ng Bgy. San Pedro West, Rosales.

Nabatid na dakong 3:10 ng hapon nitong Martes nang dinatnan ng suspek ang biktima, kasama ang ilang gumagawa ng kongkretong bakod at nagkasagutan sila hanggang barilin ni Bactad si Coloma. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog