DANIEL AT ARCI copy

SIMULA nang magkahiwalay sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ay wala pa raw bagong karelasyon ang actor. Ayon sa Brapanese model/actor nang magguest sa Tonight With Boy Abunda, magkaibigan lang sila ni Arci Muñoz na natsitsismis sa kanya ngayon.

Nilinaw ni Daniel ang kantiyawan sa programang I Can Do That na nagkakadebelopan daw sila ni Arci.

“Friends lang kami ni Arci. Close friends lang kami at lahat naman kami sa I Can Do That, eh, magkaibigan kaming lahat. We’re actually one big happy family. Masaya ang bonding naming lahat,” sey ni Daniel.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagpahayag si Daniel na gusto rin sana niyang makipagkaibigan sa dating kasintahan niyang si Erich Gonzales.

“Wala na akong masamang loob sa kanya. Actually, eh, I have respect for Erich, her family, from the bottom of my heart, everything I did, I tried my best. I’m really willing to be friends,” sey ng Kapamilya actor.

Ikinuwento rin ni Daniel na nagkita sila ni Erich kamakailan.

“I said hi to her. Eventually, we just need to give us time to clear things out,” matipid na kuwento niya.

Nagbigay na rin ng kanyang komento si Daniel sa sinasabing may kinalaman daw si Department of Tourism Undersectary Kat de Casto sa naging hiwalayan nila ni Erich.

‘Kat de Castro, she’s one of my best friends here sa showbiz. Konti lang ang mga kaibigan ko dito. Also Kat de Casto is my manager’s best friend. She has nothing to do sa hiwalayan namin. Not at all,” matigas na tanggi ni Daniel.

Ipinaliwanag din niya ang isyung pera na nauungkat dahil sa hiwalayan nila ni Erich. Unfair daw sa kanya na pagbintangan na may malaki siyang pagkakautang kay Erich.

So, hindi dahil sa pera ang pinaghiwalayan nila?

“Of course not. I worked hard since I was sixteen years old. I make my own money. Aside from showbiz, I have my own business. I don’t have to say to everybody what I have and what I don’t have,” seryosong banggit ng binata.

Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang respeto niya sa dating kasintahan.

“That issue is already done and we have moved on already,”napangiting banggit ng actor.

Masaya si Daniel sa takbo ng kanyang career at pati na rin sa personal niyang buhay. Aniya pa, ipinauubaya na lang niya sa Diyos kung may babae pang darating o ibibigay sa kanya at nararapat para sa kanya.

“Right now, focus talaga ako sa work. Kung meron isang babae na darating, eh, God knows best,” sey pa ni Daniel Matsunaga. (JIMI ESCALA)