Dumagsa sa Quezon City Memorial Circle ang grupo ng Free Leila Movement (FLM) at nanawagan sa Supreme Court na magdesisyon batay sa sustansiya ng kaso at hindi sa mababaw na teknikalidad.

Anila, depektibo ang asuntong isinampa laban kay De Lima nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Solicitor General Jose Calida na inakusahan ang senadora na utak ng sabwatan sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa pulong sa Serye Resto ng QC Circle, lumagda ang iba’t ibang grupo sa signature campaign para sa paglaya ni De Lima mula sa Camp Crame.

Magsasagawa rin ng FLM ng serye ng musical concert sa bansa na may pamagat na ‘Preso o Tumba’ para lumikom ng pondo para sa mga biktima ng extrajudicial killings. (Jun Fabon)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador