SEOUL (AFP) – Sisimulan na ang paglilitis sa dating pangulo ng South Korea na si Park Geun-Hye sa Martes kaugnay sa corruption scandal na nagpatalsik sa kanya sa puwesto. Siya ang ikatlong dating lider ng bansa na nilitis sa kasong katiwalian.

Ilalabas si Park mula sa detention centre kung saan siya nakakulong at dadalhin sa Seoul Central District Court, para sa pagsisimula ng paglilitis.

Bukod kay Park, 65, at sa mga negosyanteng diumano’y nanuhol sa kanya, kabilang din sa mga kinasuhan ang matalik nitong kaibigan na si Choi Soon-Sil, mga plastic surgeon, at isang Asian Games gold medallist fencer na naging karaoke host.

Inaasahang magtatagal ng ilang buwan ang paglilitis, at posibleng magbibigay-linaw sa ugnayan ni Park at ng mga pinuno ng malalaking kumpanya na diumano’y nanuhol sa kanya, kabilang na ang tagapagmana ng Samsung na si Lee Jae-Yong at si Lotte chairman Shin Dong-Bin.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina