April 16, 2026

Home BALITA

'Ah, sorry kay Sharon!' Sen. Jinggoy, binirong mag-apply si Sen. Kiko na jowain prospect Gilas player

'Ah, sorry kay Sharon!' Sen. Jinggoy, binirong mag-apply si Sen. Kiko na jowain prospect Gilas player

Binakbakan ng netizens ang naging pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada sa Gilas Pilipinas Women prospect Elizabeth Jeanette Means hinggil sa pagkakaroon niya ng karelasyong Pilipino.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights noong Martes, Marso 3, 2026, tinanong ni Jinggoy si Elizabeth hinggil sa lovelife ng atleta at sabay rekomenda kay Sen. Kiko Pangilinan. 

"[Do] you have a Filipino boyfriend?" pag-usisa ni Estrada kay Means.

Sagot naman ng dalaga, "Not yet po."

Hirit ni Jinggoy, "Maybe Senator Pangilinan might want to apply." Pahabol pa niya, "Ah, sorry to Sharon."

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

Agad namang sumagot si Pangilinan at sinabing, "Magagalit yung commander [ko]."

Isinagawa ang naturang pagidinig hinggil sa paggagawad ng Senado ng Filipino citizenship para sa isang atletang minamatahang maisama sa line-up ng national team.

Samantala, naging usap-usapan naman sa social media ang naturang pahayag ni Jinggoy, ilang araw matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay sa kaniya raw pantasya kay Kapamilya actress Anne Curtis.

“Si Jinggoy gusto pang agawin spotlight ni Suntay.”

“Pamanyak nang pamanyak mga politiko ngayon.”

“Teh may asawa na yung tao. The audacity!”

“Palibhasa si Jinggoy ang jumujowa ng mga basketball player, iykyk.”

“The nerve? Bakit kasi di pa makulong ‘yang botomesa na ‘yan.”

“Damang-dama ang kaba ni Jinggoy, kabaklaan!”

“Anong connect kay Sen. Kiko?”

“Talagang hindi ka papadaig?”

“Naturalization pinunta ni ate, nabastos pa ngani.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang pahayag si Jinggoy sa matapos ang kaniyang kontrobersyal na remark.