JANELLA KATHRYN LIZA AT JULIA copy

SAMAHAN ang mahigit 100 pinakamalalaki at pinakamaniningning na bituin sa showbiz sa pagdiriwang ng Star Magic ng ika-25 taon nito sa espesyal na two-part episode ng ASAP sa Araneta Coliseum simula ngayong tanghali.

Pangungunahan ng premyadong Star Magic artists na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales at Bea Alonzo. Kasama rin ang biggest love teams ngayon na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Janella Salvador at Elmo Magalona, Julia Barretto at Joshua Garcia, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huwag ring palampasin ang inihandang performances, sa muling reunion ng “ASAP I.G.,” at ang inaabangang “ASAP BFF5” na sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Ylona Garcia, Kira Balinger at Loisa Andalio.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Tiyak iinit ang ASAP stage sa kinahuhumalingang Star Magic leading men ng iba’t ibang henerasyon.

Isang nagliliyab na sopresa ang hatid ng “ASAP Coverboys,” kasama ang iba pang hottest and sexiest Star Magic stars.

Pati ang mga bida ng Ikaw Lang Ang Iibigin na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ibabahagi naman nina Pokwang, Maymay Entrata, at Alora Sasam ang kani-kanilang buhay sa “ASAP LSS” at bibigyang musika naman ito ng most talented Star Magic teens at young artists, kasama sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Jolina Magdangal.

Abangan din ang pinakapaborito ninyong Star Magic kids at new generation love teams Nash Aguas at Alexa Ilacad, Grae Fernandez at Andrea Brillantes, Bailey May at Ylona Garcia, Mccoy de Leon at Elisse Joson, kasama ang bida ng Wildflower na si Maja Salvador sa isang pasabog na hatawan.

Makitawa naman sa mga komedyante ng Star Magic sa isang one-of-a-kind comedy treat samantalang makikisaya din ang ex-housemates ng PBB na sina Loisa Andalio, Jameson Blake, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, at Marco Gallo.

World-class Broadway performance naman ang handog ng mga sikat na mang-aawit ng bansa.

Kasama rin sa kasiyahan si Toni Gonzaga. Performances from the ASAP Birit Queens, R&B Royalties ng ASAP Soul Sessions, BoybandPH, and Sarah G plus opm icons Gary V and Zsazsa Padilla. At maraming-marami pang sorpresa.

Huwag palalampasin ang unang bahagi ng ASAP Presents Star Magic 25th Anniversary Party ngayong 11:30am, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasaskyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPStarMagic25.