Inaresto kahapon ng pulisya ang isang construction worker makaraang ituro sa pagpatay sa isang anim na taong gulang na babae na natagpuan ang bangkay sa isang bakanteng lote sa Barangay Angliongto sa Davao City, nitong Martes.

Ayon sa report ng Davao City Police Office (DCPO), walang damit nang natagpuan ang bangkay ni Leah Bea Lucero, na huling nakita habang naglalaro nitong Martes.

Sa follow-up operation ng pulisya, sa pamumuno ni Senior Supt. Alexander Tagum, lumantad ang isang saksi at itinuro ang suspek na si Ariosto Lumayas, 34, construction worker, na umano’y huling nakitang kasama ng bata.

May hinala ang pulisya na pinagtangkaang gahasain ang bata bago ito pinatay sa sakal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kakasuhan ngayon ng murder si Lumayas sa Davao City Prosecutor’s Office. (Fer Taboy)