HIGIT na nagningning ang mga kabataang manlalaro mula sa Regional Selection Camp sa Metro Manila sa pagtatapos ng National Training Camp ng Jr. NBA Philippines 2017 sa paghahatid ng Alaska na idinaos sa Don Bosco Technical Institute at MOA Music Hall na dinaluhan ni Orlando Magic guard Elfrid Payton at dating WNBA All-Star Sue Wicks.

Sinamahan nina Payton at Wicks sina Jr. NBA Coaches Chris Sumner at Jeffrey Cariaso sa pagsasanay at paggabay sa mga kabataang campers.

Dumalo rin sa huling araw ng National Training Camp ang Jr. NBA Asia Advisory Council members na kinabibilangan ni NBA Legend Dikembe Mutombo.

Walong kabataang lalaki at walong babae mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang napili sa Jr. NBA All-Stars.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga nasabing mga manlalaro ay sina Kenji Trey Duremdes, 14, Jan Clement Macalalag, 13, at Victorino Torres, 13, ng La Salle Greenhills; Joachim Eddie Laure ng University of Santo Tomas High School; Johndel Austria, 13, ng Escuela de Sophia-Caloocan; Ian Dominic Espinosa, 13, ng Ateneo de Iloilo; Reinhard Jumanoy, 13, ng University of San Carlos-North Campus; at Jeryk Dwight Bait, 14, ng St. Francis National High School sa Lucena para sa Jr. NBA Philippines 2017 All-Stars.

Napili naman para sa Jr. WNBA All-Stars sina Boni Marylene Solis, 12; Jane Araza, 13, at Jeehan Nikaela Ahmed, 13, ng Chiang Kai Shek College; Jazmine Ann Maniquis, 13, ng St. Paul Pasig; Lindsey Nacional, 13, ng La Salle College Antipolo; Camille Nolasco, 14, ng Miriam College; at Chinnsai Demana, 13, ng University of the Visayas sa Cebu.

Sina Catrina June Biongcog ng Xavier University-Ateneo de Cagayan at Jed Cabellon ng Southwestern Univerrsity ng Cebu ang tinanghal na Jr. NBA Philippines 2017 Coaches of the Year.

Ang Jr. NBA All-Stars kasama ng mga Coaches of the Year ay makakaranas ng overseas NBA experience kasama ng mga Jr. NBA All-Stars mula sa Southeast Asia.

Nakatanggap din ng special awards dahil sa outstanding achievement sa National Training Camp sina Mariela Avila ng Lucena at Zean Paolo Moreno ng Cagayan De Oro (Panasonic Rising S.T.A.R. Award) ,Camille Nolasco ng Manila at Ian Espinosa ng Iloilo (Cloudfone All-Star Players of the Game); Princess Delig ng Cebu at Johndel Austria ng Manila (Gatorade Hustle Award); Yza Camila Alarcon ng Manila at Maverick John Vieto ng Lucena (Globe Telecom Sportsmanship Award) Camille Nolasco at Joachim Eddie Laure ng Manila (Alaska Ambassadors) at Boni Marylene Solis at Kenji Duremdes (Jr. NBA Most Valuable Players). (Marivic Awitan)