MAX AT PANCHO copy

SINA Pancho Magno at Max Collins ang bagong engaged couple na taga-showbiz.

Ipinost ni Pancho sa Instagram ang picture ni Max suot ang engagement ring na parang umiiyak. Si Max, ang kamay lang na suot ang engagement ring at picture ng fiancé ang ipinost at wala nang sinabi pa.

Nakakatuwa ang relasyon ng dalawa na matagal nang secretly on bago nakumpirmang “sila na” nga. Magaling silang magtago, kaya nang magdesisyong amining magkasintahan sila, nagulat pa ang reporters.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Imagine, three years nilang naitago na mag-boyfriend sila.

Sa interview sa taping ng Encantadia, nabanggit ni Pancho na nakasentro kay Lord ang kanilang relasyon.

Nagsusuportahan din sila sa kanilang career at very proud siya sa pagkakasama ni Max sa cast ng Citizen Jake na idinidirihe ng legendary filmmaker na si Mike de Leon. Maganda raw ang role ni Max sa comeback movie ni Direk Mike.

Tuwang-tuwa naman kay Pancho si Max na napasama siya sa Encantadia lalo’t nagmarka ang karakter niyang si Hitano.

Wala pang detalye kung kailan ang kasal nina Pancho at Max. Abangan na lang natin ang announcement nila.

(Nitz Miralles)