ANG pinakahihintay na 2017 World Pitmasters Cup2 9-Cock International Derby ay magaganap, tampok ang mahigit 220 lokal at dayuhang kalahok sa Fiesta Edition simula bukas Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Magtatagisan ng husay at diskarte ang mga premyadong breeder sa Mayo 14, 15, 16, 17, 19 at 20.

Ang kampeon sa maraming labanan na sina Christian Staskow at Chris Castillo ng Hawaii; ang Noisy Boys ng Guam na galing pa lamang sa kanilang pagka-panalo sa 2017 $50,000 7-cock derby sa Dededo Game Club; si Butch Cambra ng Hawaii; Peter Elm ng Guam; Kelly Everly at Phil Snead; Wilbert Leblanc at Richard Harris at si Bruce Brown kasama ang defending champions na sina Joey at Buboy delos Santos ay susubok na magkampeon ulit, ang ilan lamang sa mga bisitang pitmasters na makikipag-banggaan sa bigating delegado ng Pilipinas.

Itinakda ngayon simula 2:00 P.M. – 8:00P.M. ang pag-sumite ng timbang para sa unang 2-cock eliminations na mag-uumpisa bukas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod sa P15M guaranteed cash prize, isang brand new Mitsubishi Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang ibibigay sa handler ng champion entry. Ang entry fee ay P88,000 at ang minimum bet ay P55,000.

Ang pagdaraos ng malaking pasabong na ito ay nangyari sa pamumuno pa rin nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang pasabong ay ihahatid sa pamamagitan ng mga primerang sponsor na Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Pangungunahan ng mga Pilipinong world champions ang local na delegado kabilang sina Dicky Lim, Patrick Antonio, Rey Briones, Lawrence Wacnang, Frank Berin, Atty. Art de Castro, Ed Aparri, Pol Estrellado, Jun Santiago, Gov. Ito Ynares at Boy “Lechon” de Roca.

Kasali rin sina Gov. Gerryboy Espina, Gov. Tony Kho, Jun Bacolod, Anthony Lim. Arman Santos, Atty. Arcal Astorga, Tony Marfori, Banjo Hilajan, Mayor Caesar Dy, Engr. Celso Salazar, CJ Tolentino, Jaime Escoto, John Lester Lee, JR Tolentino, Marcu del Rosario, Mayor Emeng Codilla, Mayor James “Tata” Yap, Nestor Vendivil, Borgy Zoleta at Eric Lanzuela, Mayor Neil Lizares ng Talisay, Negros Occidental; Francisco Guinto, Denny Dohan at Andi Lee, Raymond dela Cruz, Ricky Magtuto, Rodel Ongmanchi, Ronnie Pulido, Steve Debulgado at Nanie Jimenez ang ilan lamang sa bigating pangalan ng sabong na kasali.